Costume ni Gabrielle Basiano, binash

Mukhang hindi naging maganda ang feedback ng isinuot na national costume ni Gabrielle Basiano sa Miss Intercontinental pageant na nagaganap ngayon sa bansang Egypt.

Ibong Adarna ang theme ng costume ni Gabrielle nang rumampa siya.

“The costume that is named ‘LUNAS/CURE’ is inspired by one of the highlight scenes of the famous epic from the Philippines which is entitled Ibong Adarna,” sabi ni Gabrielle sa kanyang social media post.

Base sa ipinost n’yang photos, tila kumakatawan siya sa karakter na nakawala sa sumpa ng Ibong Adarna mula sa pagiging bato. Ayon kasi sa kuwento, nagiging bato ang sinumang mapapatakan ng dumi ng mahiwagang ibon o kaya nama’y makakarinig ng awit nito.

“The Ibong Adarna is a mythical story comprises of narrative song and poetry and is considered a large part of Philippine literature and usually studied in the country as part of secondary school curriculum,” sabi ng dalaga.

“The Adarna bird also knows a total of seven songs which could either enchant anyone to sleep, turn into stone or heal a deadly sickness. And my body costume, it demonstrates how someone has turned into stone by the Adarna bird. Which she would like to translate as a huge challenge in the pageant that she is confident to surpass,” dagdag pa niya.

Ang siste, hindi ito ang typical national costume na inirarampa ng mga naging kandidata ng bansa sa mga nagdaang international beauty pageants kaya naman hindi umano ito pumasa sa panlasa ng ilang pageant fans.

Bitbit n’ya kasi ang ibon habang nagmistulang bato naman s’ya sa kanyang suot.

“Nasaan ’yung outfit?” tanong ng isang fan sa Twitter.

“Hinawakan nya lang ung ibong adarna naging costume na?” tanong din ng isa pa.

Komento ng isa pang Twitter user, mukhang wala umanong budget ang pambato ng Pilipinas sa kanyang isinuot.

“[T]t seems na walang budget si ateng. di man lang humingi ng tulong sa ibang filipino designers para kahit papano makatotohanan costume nya?” saad nito.

“[K]awawa, ang effort ng costume nya, talo pa ng mga barangay beki pageant,” saad pa ng isa na halatang dismayado sa kanyang nakita.

May masugid namang supporter si Gabby na nagpapaliwanag sa epic story behind her costume.

“People turned into stone after the bird excretes on them. She is a stone her [sic]. Know the myth please!” sabi nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *