Maggie Wilson, may birada

Piyestang-piyesta ang mga netizens ngayon nang maglabas ng isang “cryptic tweet” ang dating aktres at beauty queen na si Maggie Wilson nitong nakaraan.

Ang siste kasi, may ipinost ang dating beauty queen na may kaugnayan umano sat along at ang paggamit niya ng “#smallissues” sa kanyang post.

Walang binanggit na pangalan ang TV host-entrepreneur sa kanyang cryptic message pero ang hula ng marami ay para ito sa isa niyang ex-partner.

Ayon sa post ni Maggie, kung hindi kaya ng lalaking mapayuko at magpagapang ang isang babae, magsasampa ng lamang ito ng sandamakmak na kaso.

“If you can’t get a woman to bow down to you and crawl then just file tons of cases against her. Only weak men fear strong women,” sabi ni Maggie.

Ang napansin ng mga netizens ay ang paggamit niya ng “#small (eggplant emoji) issues.”

Kaya naman kagulo ang netizens lalo na yung may mga malilikot na imahinasyon.

Narito ang ilang comments ng mga netizens sa “pa-talong” ni Maggie.

“Gets na gets ko na kung bakit eggplant ang hashtag. Kailangan pa bang i-memorize yarn!?” “I-omelet na ‘yan.” “Small lang pala, e. Makaarte devah!” “Kulang pang-torta. sadnuuuu.” “Grave naman si Madam! Spill the tea talaga about her ex’s talong!”

Hindi naman lingid sa inyong kaalaman na dumaraan ngayon sa pagsubok ang marriage life ni Maggie.

Noong September, 2021 nang ihayag ng aktres at ng kanyang mister na si Victor Consunji ang kanilang paghihiwalay makalipas ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *