Gunman ni Percy Lapid, sumuko; pabuya napunta sa pamilya ng suspek

Nasa kustodiya na ng PNP sa Camp Crame nitong Martes, ang umano’y gunman sa pagpatay sa broadcaster at komentaristang si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid, kaya naman sa pamilya nito mapupunta ang pabuya.

Sumuko umano ang nasabing gunman na hindi na muna pinangalanan ng mga awtoridad dahil nakakatakot umanong siya naman ang ipapatay ng mastermind na siyang nagpatumba sa broadcaster.

Bukod pa dito kumalat na rin umano sa telebisyon at sa pahayagan ang kanyang mukha, na kuha sa mga CCTV sa lugar, kung saan naganap ang pagpatay at sa P6.5 milyong pabuya sa sinumang makakapagturo sa kanya, ay hindi malayong matutunton rin siya kalaunan.

Ayon pa sa gunman, ay binayaran umano siya ng halagang P500,000 para tuluyang patahimikin ang komentarista.

Base pa sa nakalap na impormasyon, ang P500,000 naman na reward money na galing mismo kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretery Benjamin Abalos Jr., ay sa pamilya ng gunman mapupunta.

Napag-alaman din base sa mga kumalat na balita, ay magkakaroon umano sana ng press conference para iharap sa media at publiko ang gunman, ngunit hindi umano naituloy ng PNP at DILG.

Nitong Oktubre 3, ng gabi ay tambangan at paulanan ng bala sa Las Piñas City sa mismong gate ng kanyang tirahan, ang broadcaster ng DWBL 1242 khz, na siyang komentarista ng programa niyang Lapid Fire.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *