Lolo ginahasa si nene

Sa selda nagtapos ang kamanyakan ng isang matandang lalaki na kabilang sa most wanted persons ng lungsod ng Valenzuela, matapos na magawang gahasain ang isang batang babae at manipulahin.

Dinapot sa kanya mismong bahay sa Barangay Marulas ang suspek na kinilalang si Danilo Raymundo, umaga nitong Sabado.

Naaresto ang lolo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270 noong 13 Oktubre 2022 para sa kasong of statutory rape, at two counts ng lascivious conduct sa ilalim ng section 5 (b) ng RA 7610 o special protection against child abuse, exploitation and discrimination act.

Wala namang recommended bail ang korte sa kinakaharap ng matanda na statutory rape, habang P180,000 naman sa bawat bilang ng lascivious conduct ang inirekomenda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *