Jennylyn Merdaco, babalik sa TV

Inihayag ng aktres na si Jennylyn Mercado na nalalapit na ang kanyang pagbabalik-telebisyon.

Nitong nakaraan kasi, sinorpresa ni Jennylyn ang mga netizens sa isang podcast kung saan iniinterview ang asawa niyang si Dennis Trillo.

Kaagad na bumati naman si Jennylyn at matapos sabihing nami-miss ni Nelson ang aktres ay bigla na niya itong tinanong kung kailan siya magbabalik sa showbiz.

Sinagot siya ng celebrity mom at sinabing next year na raw.

“Malapit na. First quarter next year,” sabi ni Jennylyn.

Kung matatandaan, October last year nang mabalitaang nagdadalang-tao ang aktres kasabay ng kanyang taping sa GMA teleserye na “Love. Die. Repeat” kaya naman itinigil muna ang pagbuo ng nasabing teleserye at pinagpahinga muna ang aktres.

Isinilang ng aktres ang first baby nila ni Dennis nitong Mayo.

Taong 2010 nang mag-umpisa ang relasyon ng dalawa, pero naghiwalay rin matapos ang isang taon.

Noong 2014 silang nagkabalikan at matapos naman ng pitong taon ay ikinasal na sila.

Nangyari ang kanilang intimate civil wedding Nobyembre ng nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *