Julia Montes, engaged na nga ba?

Hindi magkamayaw ang mga netizens na tagahanga at tagasunod ng aktres na si Julia Montes nang maispatan nila ang suot na singsing ng rumored partner ni Coco Martin.

Kumakalat kasi ngayon sa social media ang mga larawan ng aktres kung saan agaw-eksena nga ang kumikinang-kinang na diamond sa singsing na nakasuot sa kanyang ring finger na nasa kaliwang kamay.

In fairness, kung sa mga nakaraan niyang litrato ay parang itinatago pa ni Julia ang suot na singsing, ngayon ay lantaran na niya itong ipinakikita sa publiko.

“Engagement ring ba yarn?” Iyan ang tanong ngayon ng mga netizens kasunod ng mga komento tungkol sa relasyon nila ni Coco na sinasabing matagal nang karelasyon ng aktres.

Pero hindi ito ang unang pagkakataon na nakunan si Julia na suot ang pinaniniwalaang engagement ring na ibinigay umano sa kanya ni Coco. Pero dati nga ay tila itinatago pa niya ito sa kanyang mga pictorial.

Ngunit ngayon nga ay parang very open na siyang ipakita ito sa publiko. Komento nga ng mga netizens, kumportable na siyang makunan suot ang kanyang diamond ring.

Tulad na lang ng mga litratong ipinost ng kaibigan ni Julia na si Dimples Romana sa Instagram kung saan kasama rin nila si Kathryn Bernardo. Naging close ang tatlo nang gawin nila ang teleseryeng “Mara Clara” noong 2010.

Nag-reunion sila sa isang Japanese restaurant sa Quezon City at dito nga nakunan ng video si Julia habang kumakain ng Japanese dishes.
At dito nga napansin ng mga netizens ang suot niyang diamond ring.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *