Kathryn Bernardo, umani ng papuri

Talagang well-received ang ABS-CBN teleserye na “2 Good 2 Be True” kung saan bida sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bukod sa gripping na kuwento, hinahangaan rin ng mga netizens at maging mga ilang nurses at medical professionals ang trending na eksena ni Kathryn kung saan nagsagawa siya ng CPR o Cardiopulmonary Resuscitation sa isang matanda matapos itong ma-cardiac arrest.

Agad na ipinost ng “2 Good 2 Be True” ang nasabing eksena kasama ang isang behind the scenes footage kung saan makikitang pinag-aaralan ni Kathryn ang tinuturong step by step CPR procedure ng medical consultant nila sa show.

Sabi ng nurse na si @yanie96219634, “I salute the writer, director, at ang bumubuo ng @2Good2BeTrue kasi nag-research talaga sila paano gawin ang CPR. As a nurse, I was impressed and @bernardokath delivered it well. Good job!”

“This ACLS/BLS trainer approves,” sabi naman ng doktor na si @alenapiasmd.

Komento naman ng vlogger at nurse na si Riz, “In fairness ABS-CBN, well researched ulit ha!”

Para nga sa netizens, maganda na nagtuturo ang palabas ng maayos na procedures tulad nitong CPR at F.A.S.T method na makakatulong sa mga manonood.

Matatandaang nakasagip nga ang programa ng buhay matapos gawin ng isang netizen ang F.A.S.T method sa lolo niyang na-stroke.

Sa nasabing episode, papaalis na sina Ali at Tox (Gillian Vicencio) sa clinic matapos malaman ni Eloy na nakita nito si Diego (Archi Adamos), ang dating security head ng Horizon Grand.

Ngunit bago pa sila makalabas, nakita ni Ali na nawalan ito ng malay kaya naman agad siyang lumapit para tulungan ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *