Lolo, himas-rehas sa annulment scam

Isang matandang lalaki na umano’y sangkot sa annulment scam ang himas-rehas ngayon matapos ang entrapment operation ng Northern Police District.

Patong -patong na kasong estafa, falsification committed by a private individual, at use of falsified documents, ang kinakaharap ngayon ni Ruben Gabagat (67) na napag-alamang nag- fixer upang mapabilis umano ang annulment ng mga magulang ng isa sa kanyang nabiktimang hindi na pinangalanan, kung saan ay kailangan lang umano nilang magbayad ng P200,000.

Nagbigay umano ng P40,000 na paunang bayad ang biktima sa suspek, na ang pakilala umano sa kanila ay kalihim ng isang abogado.

Ang nasabing halagang iyon ay gagamitin umano para mai-file nang mabilis at mabawasan ang proseso ng annulment ng anim hanggang 10 buwan ng hindi na kailangan pang humarap sa korte.

Nang tanggapin ang nasabing halaga ay binigyan naman umano ng suspek ang biktima ng umano’y court order kung saan ay sinasabing “null and void” na ang kasal.

Ngunit nagkaroon umano ng agam-agam ang biktima nang wala nang natanggap pa na ibang dokumento.

Doon na siya kumuha ng Certificate of No Marriage upang malaman kung null and void na nga ba ang kasal ng kanyang mga magulang.

Ngunit, nang sumailalim sa verification, ay napag-alamang peke pala ang mga dokumentong ibinigay sa kanya ng suspek, dahilan upang humingi na siya ng saklolo sa pulisya.

Nasamsam mula sa suspek ang P8,000 marked money, iba’t -ibang IDs at  fake documents.cherkiecherry🍒

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *