P12M marijuana nasakote sa Caloocan

Hindi bababa sa 100 kilos ng pinatuyong marijuana, na humigi’t-kumulang 12 million pesos ang street value, ang nasakote ng mga awtoridad mula sa umano’y mga high-value individuals sa isang buy-bust operation umaga nitong Miyerkules.

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Renato Castillo, hepe ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District, ay 9:25 ng umaga nang isagawa ang operasyon sa parking lot ng isang fast-food chain sa Barangay 8.

Nang magkaliwaan na ang nagsilbing poseur buyer at mga suspek na kinilalang sina John Kenneth Herna at Grant Gallano ay doon na dinamba ng mga operatiba ang dalawa.

Napag-alamang kinukuha ng mga suspek ang kanilang suplay sa Apayao at ibinabagsak sa kanilang mga kliyente sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela at Bulacan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *