Magbibitiw ba o hindi?

Usap-usapan ngayon ang pagkakaaresto sa anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla dahil sa ilegal na droga marami ang nagsasabing dapat nang magbitiw ang kalihim sa kanyang puwesto kung may delicadeza umano ito.

Nitong nakaraan kasi ay inaresto ang panganay na anak ni Remulla na si Juanito Remulla III matapos nitong tumanggap ng parcel na may lamang high-grade marijuana na nanggaling umano sa Amerika.

Giit ng ilan, kailangang magbitiw ng kalihim sa kanyang puwesto upang maiwasan umano ang mga ideya na baka protektahan ni Remulla ang kanyang anak at maabswelto ito.

Pero si Remulla, iginiit na hindi siya magbibitiw bilang Justice secretary.

“It will not happen. I will not comment anymore on the other issues there, but it will not happen,” sabi ni Remulla sa isang naunang pahayag.

Dagdag pa ng DoJ secretary, tanging si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. lamang umano ang magpapasya kung dapat na nga ba siyang umalis sa kanyang puwesto.

“That is not my call. I am a very honorable person when it comes to this. It is the President’s call,” sabi ni Remulla.

Kung matatandaan, nauna nang sinabi ng Pangulo na wala umanong basehan ang mga panawagan na magbitiw si Remulla.

Sinabi rin ni Remulla na hindi siya makikialam sa kaso ng anak, na hindi raw niya nakakausap mula nang maaresto ito at nagbigay na rin siya ng direktiba
Nagbigay din umano ng direktiba si Remulla sa mga abogado na huwag nang dalhin sa DoJ ang mga resolusyon tungkol sa kaso ng kaniyang anak.

“Sabi ko, if there’s a resolution, do not let it reach the DOJ. Let it be discussed in court… If it’s an adverse case against my son, it will not be appealed here. It will go straight to the courts for trial,” dagdag niya.

Sa tingin namin, mas makakabuting we take Remulla’s word for it.

Kung masisiguro nga niyang hindi siya gagawa ng kakaibang hakbang upang matulungan ang kanyang anak maliban sa legal na proseso, maaari naman siguro nating matanggap na hindi na niya kailangang magbitiw sa puwesto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *