Maggie Wilson, binawian sa socmed

Matapos ang cryptic tweet ng dating beauty queen at model na si Maggie Wilson na may kaugnayan umano sa kanyang dating asawang si Victor Consunji, naging trending naman ang sagot ng business mogul.

Kung matatandaan, sinampahan ni Victor ng kasong adultery ang kanyang estranged wife ilang buwan matapos ang kanilang opisyal na pag-amin na hiwalay na sila.

May naging tugon naman ang businessman ng kanyang sariling hashtag na naging sanhi para mas maging curious ang mga netizens sa nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

#EasyToFeelSmallInSuchABigCave,” saad ni Victor sa kanyang naging Instagram story at makikitang nasa kuweba nga ang businessman na tila nag-e-explore ng ganda ng kalikasan.

May iba ring ginamit na hashtag si Victor gaya ng “#YouKnowThisPlaceIsNextToABeach”, “#AllICanSayIsThisBeachHasAHugeCave,” at “#ThisCaveMUSTbeRoyalty”.

Sa ngayon ay wala namang pahayag si Maggie hinggil sa viral post ng dating asawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *