Pia Wurtzbach, yayamanin

Isa ang aktres at Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nag-top sa listahan ng “Top Instagram Earners” ng Pilipinas, base sa isang pag-aaral ng Chicago-based online lending group na “NetCredit.”

Ayon sa grupo, nasa $3,669,205 o halos P216 million na ang kinita ng beauty queen dahil sa Instagram Ads at sponsored posts sa nasabing social media app, habang kasunod naman niya ang aktres na si Kathryn Bernardo na nakakuha ng halos P208 million.

Pangatlo naman si Anne Curtis na may halos P172 million at ang pang-apat ay si Kim Chiu na kumita ng halos P100 million sa Instagram.

Nasa Top 5 naman si Andrea Brillantes na may halos P75 million.

Nakapasok din sa listahan ng bansa sina Catriona Gray, Liza Soberano, Nadine Lustre, Alex Gonzaga, at Marian Rivera.

Bukod pa riyan, pasok din si Pia sa “top earners” sa buong mundo na kung saan ang nanguna sa listahan ay ang football stars na sina Cristiano Ronaldo at Lionel Messi.

Pasok din ang American TV host na si Ellen DeGeneres at ang popstar na si Justin Bieber.

Ayon sa NetCredit pinagbasehan nila ang kaparehong data na ginamit sa “Instagram rich list” para ma-compute ang “fee-per-ad” ng bawat celebrities at personalities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *