BF ni Nadine Lustre, PROUD!

Aminado ang boyfriend ng aktres na si Nadine Lustre na si Christophe Bariou na talagang proud siya sa dalaga at talagang mabigat ang pagmamahal niya sa aktres.

Tila napa-throwback pa siya at ibinahagi sa isang Instagram post ang pictures nila ni Nadine na kinunan noong 2021 at ngayong taon na parehong nasa isang art museum sa Rizal.

Inihayag niya sa nasabing post na ganun pa rin sila tulad ng dati, ngunit ang kaibahan lang ay lalo pa nilang minamahal ang isa’t-isa.

“Same same but kinder, wiser, stronger, and more in love,” caption niya sa IG post.

Matatandaang naikuwento ni Nadine sa kanyang interview kasama ang King of Talk na si Boy Abunda na nagkakilala sila ng kanyang half-French, half-Filipino na businessman boyfriend sa Siargao.

Ayon kay Nadine, “So in July last year, two of my friends and I ended up going to Siargao just for a vacation. Medyo maluwag na nu’ng time na ‘yun so we were able to fly out.”

“We stayed in another place but one of my good friends kasi is working for him,” patuloy niya.

“So she asked him if we can go to his spot because there’s a secret beach there where there’s no one there most of the time and it’s really peaceful. ‘Yun ‘yung kung saan nagmi-meet ‘yung ilog tsaka ‘yung dagat,” saad ni Nadine.

“So she asked him if we could go but we ended up just swimming in his pool. That’s pretty much it,” dagdag niya.

Noong January 2022 nang unang isinapubliko ni Nadine ang relasyon nila ni Christophe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *