2 sundalo patay sa engkwentro

Patay ang dalawang sundalong nakasagupa ang Communist Terrorist Groups habang nagsasagawa ng focused military operation ang tropa ng pamahalaan nitong Sabado sa tri-boundary ng Kalinga, Apayao at Abra.

Kinilala ang mga nasawi na sina 2LT Nasser Dimalanes at PFC James S Fontanilla Jr., pawang mga miyembro ng Scout Platoon ng 98th IB, 5ID.

Labinlimang kasapi ng CTG sa ilalim ng KLG North Abra ICRC ang nakabangga nila.

Tumagal ng 20 minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng dalawang sundalo habang mabilis naman tumakas ang teroristang grupo.

Patuloy ang hot pursuit ng mga sundalo at inalerto na rin ang lahat ng unit ng AOR para sa ikadarakip ng mga miyembro ng CTG.

Maging ang pagsasagawa ng checkpoint sa mga lugar na posibleng daan ng mga armadong grupo ay hinigpitan na rin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *