Andrea Torres, na-depress sa break up

Kahit halos ilang taon na ang nakakaraan, aminado ang aktres na si Andrea Torres na talagang nasaktan siya sa paghihiwalay nila ng aktor na si Derek Ramsay at dagdag niya, inatake siya ng depresyon si Andrea nang maghiwalay sila ni Derek noong 2020.

Sabi ng dalaga, nawalan siya nang gana noong panahong yun at kahit maliit lang na bagay ay iniiyakan niya na malayung-malayo sa dati niyang ugali at personalidad.

“Wala ka nang ganang gumawa ng kahit ano. Ayaw mo nang tumayo, and every little thing iniiyakan mo. Parang lahat nagti-trigger sa ‘yo. Na ang layo-layo sa Andrea, sa usually Andrea na masayahin, positive. Allergic ako sa negative, e, kapag na-feel ko na may nega na, shift ko agad ‘yan, e. Pero nu’ng time na yun, bagsak talaga,” sabi ni Andrea.

Dagdag niya, isang mahabang proseso rin ang ginawa niyang pagmu-move on na sinimulan niya sa taimtim na pagdarasal at pagbabasa ng Bible.

“Ayun yung nag-church na ako. Ang nilapitan ko yung mga taong alam kong parang may deeper understanding kay God,” sabi ni Andrea.

“Doon pinaka naging close yung relationship ko with the Lord. Super pray talaga ako kasi siyempre parang paano ba ‘to? Siyempre parang may iba na nagagalit kasi hindi ako nagbibigay ng details. Pero hindi ko naman ikaliligaya na ma-bash yung tao. Parang for me lang, walang maidudulot na mabuti kapag nagbigay pa ako ng details kung bakit kami nag-break,” dagdag pa niya.

“Kasi, obviously, hindi maganda yung naging paghihiwalay namin. So, okay na sa akin na nakausap ko yung mga taong involved,” paliwanag pa niya.

At kung may isang bagay daw siyang natutunan sa breakup nila ni Derek, yan ay ang mahalin muna nang bongga ang sarili bago ang ibang tao.

Samantala, sa question kung nakikipag-date na uli siya, “Hindi ngayon, hindi at the moment. Pabugso-bugso may time na oo may time na hindi.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *