RR Enriquez, sumawsaw na naman

Sumawsaw na naman ang TV personality na si RR Enriquez at ngayon naman, ang relasyon ng mga actors na si Ruru Madrid at Bianca Umali ang kanyang napagdiskitahan.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang isang pubmat mula sa isang news article kung saan nakasaad na apat na taon nang “dating” ang dalawa pero hindi pa rin daw sila.

“Gusto ko ito sawsawan at gigil ako,” panimula ni RR.

Halata na takang-taka ito at hindi makapaniwala na umabot na ng ilang taon ang pagde-date nina Ruru at Bianca pero wala rin silang label.

“Four years and yet No Label?? Gurl if totoo man yan you should know your worth,” saad ni RR.

Aniya, kung sandaling panahon pa lang daw like 6 months ay matatanggap pa niya dahil sa ganoong paraan daw sila nagsimula ng kanyang partner.

“Pero after 6months of dating Aba teka do you want it to be official or official na kita kakalimutan,” sabi pa ni RR. “4 years is too long para hindi nyo pa din malagyan ng label yan.”

Nagbiro pa nga si RR at sinabing, “Buti pa yung t-back na nabili ko sa Tyangge Bangkok Thailand last week may label kahit chipangga.”

Maging ang ilan sa mga netizens ay agree sa point ng Queen Sawsawerra.

“4 years walang label?? Di naman ako papayag doon. 4 years na ewan ung relationship nyo haha back to friend na lang siguro tayo,” saad ng isang netizen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *