Ellen Adarna, magku-quit na sa showbiz?

Inihayag ng aktres na si Ellen Adarna na calling it quits na siya sa showbiz sapagkat mas prayoridad na niya ang kanyang pamilya.

Ayon kay Ellen, maraming inaalok na projects sa kanya, pero tinanggihan niya itong lahat dahil nag-eenjoy umano siya kung ano ang meron siya ngayon.

May mga nagsasabing marami umanong negosyo si Derek at kulang ang katawan niya para asikasuhin ang lahat ng ito ayon pa sa beteranang manunulat at online host.

May mga nagsasabi rin na hindi na umiinom ngayon si Ellen kumpara noong wala pa siyang asawa na mahilig magwalwal kahit sino pa ang karelasyon.

Bukod sa pagpapatanggal ng breast implants ni Ellen ay plano rin pala nitong ipatanggal ang intrauterine device o IUD dahil plano na nitong magkaroon sila ng anak ni Derek.

Naikuwento rin na hands-on talaga si Ellen sa anak niyang si Elias Modesto dahil siya mismo ang nagpapakain at nagpapatulog sa bagets kaya naman lagi siyang nagmamadaling umuwi kapag hindi niya kasama ang bagets.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *