Pinay photographer sa US patay sa pamamaril

Patay ang isang Pinay photographer sa Amerika na pinagbabaril sa ulo ng tatlong hindi pa nakikilalang kalalakihan sa loob mismo ng kanilang tahanan sa South Everett, Washington, kamakailan.

Kinilala ang biktimang si Irah Sok. Ayon sa kanyang mister na isang Cambodian-American, nasa bahay din sila ng kanilang mga anak nang mangyari ang insidente.

Sugatan din sa insidente si Makara na mabilis ding nakatawag sa 911 nang makaalis na ang mga suspek.

Siniguro naman ng Snohomish County Sheriff’s Office na patuloy itong mag-iimbestiga at hahanapin ang tatlong salarin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *