Sunshine Cruz, bumuwelta sa bashing

Hindi pinalampas ng aktres na si Sunshine Cruz ang isang basher na nagsasabing siya mismo ang dahilan kung bakit naghanap ng iba ang dating asawang si Cesar Montano at sa kanyang FB, binuweltahan ng aktres sa malisyosong comment ng netizen sa kalmadong paraan.

May isang netizen kasi na humirit ng isang comment sa post ng aktres sa social media. “Bat Kasi nag bold movies Ka sunshine Cruz Kaya na turn off sau si cecar [Cesar] montano ..naghanap tuloy Ng iba,” sabi ng netizen.

Sagot naman ni Sunshine, “You know nothing about our lives. We dont know you kuya. Move on. [laughing in tears emoji].”

Marami naman sa mga netizens ang nagtanggol sa aktres at pinayuhan ito na huwag na lamang pansinin ang komento ng kanyang basher.

“Salute to Sunshine Cruz she raise her kids with so much love & respect to his dad. She just shows how kind & happy with her life . God bless,” saad ng isang netizen.

Comment pa ng isa, “Tama wag na lang pansinin inggit lang sa kaseksihan mo yan na parang wala syang kasalanan, basta ako hanga sa iyo ms. Sunshine stay sexy focus more on your beauty not on negative people.”

“Shine don’t mind those bully and bashers, ignore them. We are behind you and supportive of you whatever and wherever you are. I love you idol, Be safe out there and God bless you always,” hirit pa ng isa.

Ang kuwento sa likod ng mga larawan kung saan muling nakasama ng aktres at kanyang mga anak ang dating asawa ay dahil ipinagdiwang nila ang 18th birthday ni Sam kaya hindi naman kataka-taka na dumalo si Cesar maging ang iba pa niyang kapatid sa ama.

Kahit annulled na ang kasal nina Sunshine at Cesar ay talaga namang ginagampanan pa rin nila nang maayos ang kanilang mga responsibilidad sa tatlong anak na babae.

Hindi naman naging istrikto ang aktres kung sino ang dapat makahalubilo ng kanyang mga anak dahil open ito na makasama nila ang kanilang mga kapatid sa ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *