Aubrey Miles, nanakawan sa Paris

Inihayag ng aktres at entrepreneur na si Aubrey Miles na nadale siya ng mga mandurukot sa Paris habang namamasyal sa isa sa mga pinaka-sikat na tourist destination sa mundo.

Sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang masasamang karanasan sa “City of Love” at sinabing tuloy pa rin ang kanyang pamamasyal kahit maraming magnanakaw.

“Now I know why you love Paris. Kahit nanakawan ka sa Paris ng pick pockets, tuloy ang larga. Sa movies kala ko astig kayo pero sa totoong buhay parusa kayo, mga BWISIT,” saad ng aktres sa kanyang caption.

Marami namang netizens ang nagpahatid ng kanilang concern at tinanong sa aktres kung ano ang nawala sa kanya.

“OMG! Ano nakuha sayo @milesaubrey? Yup doble ingat pag sa Paris.”

Sagot naman ng aktres sa kanya na natangay ang kanyang bag na nabili sa designer brand na “Jacquemus.”

Ikinuwento rin ni Aubrey na mukhang mga turista ang mga magnanakaw kaya hirap silang tukuyin kung ito’y mga “pickpocket.”

“They dress up or pretend like a tourist. Daming attempt sa amin today. Sinundan kami for 10 mins. Again,” kuwento ni Aubrey.

Sa latest IG post ni Aubrey, kitang-kita na naglilibot pa rin siya sa Paris at may pa-photoshoot pa na dedicated sa mga magnanakaw.

“This photoshoot is dedicated to all the pickpockets in Paris dahil nakaka trauma kayo para sa mga baguhang turista, you can’t bring us down. Dahil dyan, nag pa-photoshoot pa ako, langya kayo,” sabi ni Aubrey.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *