Heart, hindi bumati sa birthday ni Chiz?

Maraming mga netizens ang nakapansin na hindi umano bumati ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista sa kaarawan ng kanyang asawang si Senador Chiz Escudero nang mag-birthday ito noong October 10.

Wala raw umano talagang nakitang mensahe ang mga netizens kaya naman umuugong na naman ang mga balitang talagang hiwalay na umano ang dalawa.

Ilang netizens din ang bumati kay Chiz at nagsabing umaasa sila na magkakaayos pa rin ang mag-asawa lalo pa’t suot pa rin ng senador ang kanyang wedding ring.

Napansin din nila na hindi pa rin binabago ng senador ang nakasulat sa profile ng kanyang IG account na: “Doting Dad. Happy Husband. Proud Public Servant.”

Samantala, sa Instagram account naman ni Heart marami ang nag-post ng tanong tungkol sa birthday ng kanyang asawa. Narito ang ilan:

“Wala man lang greetings, kumare? Sad.”

“Bakit po hindi mo binati si Chiz? Birthday niya kasi ngayon.”

“Madame, birthday po ng ex H(usband) niyo.”

Nasa Paris pa rin ngayon si Heart at balitang nakakuha na rin ng kanyang apartment doon. Mukhang tototohanin nga ng Kapuso actress ang sinabi niya na hindi muna siya uuwi sa Pilipinas dahil baka magtagal siya sa ibang bansa.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita at naglalabas ng official statement ang mag-asawa hinggil sa tunay na estado ng kanilang pagsasama, pero marami na ang naniniwala na hiwalay na nga ang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *