Kapit-bahay nag-amok: 4 sugatan

Apat na katao ang sugatan matapos na subukang awatin ang nag-amok nilang kapitbahay na armado ng isang jungle bolo knife sa lungsod ng Navotas, Miyerkoles ng gabi.

Sa ulat ni Navotas City Police chief Col. Dexter Ollaging, ay alas – 7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Buraot St., Brgy. Sipac – Almace, nakaupo umano noon at nagkukwentuhan ang magkakaanak na mga biktimang sina Christian Cruz, 39; Ronaldo Cruz, 41, security guard; Matias Cruz, 47 tricycle driver; at Agustin Cruz, 53, aircon technician.

Nang bigla na lamang na dumating ang suspek na si Joshua Rayos, 22, at galit na pinagmumura ang mga ito saka hamunin ng suntukan.

Agad namang naawat ang suspek ngunit bumalik ito makalipas ng ilang sandali na armado na ng isang bolo knife.

Mabilis siyang inawat ng mga biktima ngunit nagwawala talaga ang suspek dahilan upang maiwasiwas nito ang bolo sa mga biktima na habang inaawat, nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Hindi pa sana hihinto ang suspek kung hindi pa dumating ang mga barangay tanod na agad ding nakaresponde.

Agad din na nai-turn over sa himpilan ng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Art 155, Art 151, B.P. 6 at physical injury.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *