Senior high huli sa marijuana

Hindi sa school kung hindi sa likod ng rehas pumasok ang isang senior high student matapos na mahulihan ito ng higit P1 million na halaga ng marijuana sa Davao City nitong Lunes.

Sa pinagsamang buy-bust operation ng Intelligence Unit ng Davao City Police Office at Eden Police Station ay nadakip ang suspek na kinilalang si Price Ian Sambalud, 18, ng NHA Village, Buhagin.

Pasado alas – 9:00 ng umaga nang isagawa ang operasyon sa Purok 3, Sitio Haban, Brgy. Catigan, Toril District.
Nasakote mula sa suspek ang 11.37 kilos na pinatuyong dahon ng marijuana na may street value na P1,386,000.

Napagalamang nasa Top Priority Target Regional Level list ng pulisya ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *