Heart Evangelista, may nilinaw

Klinaro ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na pansamantala lamang ang paninirahan niya sa Paris at hindi siya magtatagal doon forever dahil marami pa siyang trabaho sa Pilipinas kaya uuwi pa rin siya sa bansa pagkatapos ng mga commitments niya sa ibang bansa.

Sa kanyang bagong IG video, inilahad ni Heart ng ilang mga kaganapan sa buhay niya sa Paris kabilang na riyan ang paglilibot niya sa iba’t ibang lugar doon.

Ayon pa sa kanya, talagang kinakarir na niya ang pagiging “alone” at “independent” sa buhay.

“Today I decided to walk all by myself around Paris. Those of you who know me know that I have so much anxiety when I’m by myself. But sometimes, you got to learn how to do new things and explore and, you know, learn for yourself,” sabi ng aktres.

“I had a nice cappuccino and as you can see naubos ko ‘yun, napakasarap. And I had granola. And I had blueberries on the side to balance it out,” dagdag pa niya. “I’m learning to walk alone and being independent and being totally by myself. And I kind of love it!”

Sa nasabi ring video, mapapanood ang pagpunta ni Heart sa isang pet store. Pero agad niyang nilinaw na hindi siya bibili ng aso dahil wala naman siyang balak manirahan for good sa Paris.

Matatandaang nagtungo ang aktres sa Paris noong huling linggo ng September para sa Paris Fashion Week at hanggang ngayon ay naroon pa rin siya.

Sa isa niyang Instagram Live kamakailan, ibinalita niya na nakabili na raw siya ng apartment sa Paris.

May pahayag din siya sa mga taong nagsasabi naman na puro pagpapasarap ang ginagawa niya sa buhay dahil kung saan-saan nga siya nagpupunta at naglalamiyerda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *