Rica Peralejo, may memorable moment

Memorable para sa dating aktres na si Rica Peralejo ang pag-iisang dibdib nila ng pastor na si Joseph Bonifacio mahigit isang dekada na ang nakakaraan at sa kanyang IG, ikinuwento niya na pareho sila ng kanyang asawa na mahilig sa libro.

Ito nga raw ang dahilan kung bakit hugis-libro ang kanilang wedding cake.

“Throwback to our wedding cake, @josephbonifacio and I connected largely on the level of information, knowledge, books. So it was only natural that one of the main reasons of our coming together would appear at the wedding haha!” sabi ni Rica sa caption.

Ayon pa sa kanya, labing tatlo na silang kasal at hanggang ngayon ay mahilig pa rin sila sa libro at iyon umano ang isa sa mga katangian nila na hindi pa nagbabago.

“To this day, almost 13 yrs later, we still love books. We still have a hard time getting rid of books even if reality says we cannot read them all anyway. Some things don’t change!” sabi pa niya.

Sa YouTube vlog naman niya na ibinahagi noong October 9, sinabi rin niya na “very significant” ang kanilang cake bilang couple.

“All of the books that were like put on that cake, ginaya niya ‘yung mga mga cover ng books na ‘yun were actually very significant to us as a dating couple. That was like one of the ways that we connected kasi,” saad ng dating aktres.

Taong 2010 ikinasal si Rica at mayroon siyang dalawang anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *